Covid-19 vaccination sa mga frontline essential workers sa R-12, simula na!

KORONADAL CITY — SINIMULAN na ang papamakuna kontra Covid-19 sa mga frontline essential workers sa buong SOCCSKSARGEN Region o Rehiyon-12.

Sa pamamagitan ng Regional Vaccinations Operations Center o RVOC advisories No. 171 at 174, inatasan ni DOH-12 Regional Director Aristides Tan ang mga provincial at municipal health officers na umpisahan na ang pamamakuna sa mga napiling priority groups sa ilalim ng A4 o mga frontline workers sa essential workers category.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Partikular na mauuna ayon sa guidelines ang mga essential workers na nasa commuter sector at mga public at private vendors.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Dahil limitado lamang ang supply ng bakuna, mauuna sa pamamakuna ang mga nasa edad 40 hanggang 59-anyos na susundan ng mga nasa 18 hanggang 39-anyos.

Mahigpit namang ipinatutupad sa pamamakuna ang “No Masterlisting, No Vaccination” protocols.