COVID-19 vaccination sa mga botika sisimulan sa Enero 20 – 21

Sisimulan na nang pamahalaan ang roll out ng COVID-19 vaccination sa piling botika sa Enero 20 hangang 21.

Ayon kay testing czar Vince Dizon tatawagin ang programa bilang ‘Resbakuna sa mga Botika’, na uumpisahan sa pitong mga drug stores sa Metro Manila.

Read More:  SC upholds five-year term for barangay and SK officials

Sinabi ni Dizon na pagkatapos ng launching, agad nilang papalawakin ang pagpapatupad ng progama sa iba’t-ibang lungsod sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Ang naturang hakbang ay ibinase sa Estados Unidos kung saan nagkaroon ng roll out vaccination sa mga pharmacies at mga supermarkets.

Read More:  Malacañang praises mon Tulfo’s fake news admission

Una nang sinabi ng IATF na target nilang mabakunahan ang na sa 77 milyon Pilipino bago sumapit ang May 2022.