COVID- 19 vaccination sa bayan ng Basud dadalhin na sa mga barangay simula ngayong linggo

CAMARINES NORTE- Pupunta na sa kada barangay ang vaccination team ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Basud simula ngayong linggo.

Ayon kay Mayor Adrian Davoco, ito ay upang hindi na gaanong mahirapan sa mahabang pila ang mga nagnanais magpabakuna lalo na ang pediatric population kung saan kasama pa ang kanilang guardian.

Read More:  Antique vlogger dies after alleged electric shock from videoke microphone

Mananatili naman ang bakunahan sa Basud Sports Complex.

Resulta ito ng ginawang pagpupulong noong Biyernes kasama ang Municipal  Health Office at Liga ng mga Barangay.

Ayon sa Alkalde nasa mahigit 50 porsiento na ang nabakunahan sa naturang bayan at patuloy pa itong nadagdagan.

Read More:  American national shot dead while watching TV in Negros Oriental

Inaasahang makakatulong din ang paglaaan ng LGU ng pondo bilang insentibo na paghahatian ng mga barangay na makakaabot sa target na herd immunity bago matapos itong buwan.

Aminado naman ang LGU na may mga pagkakataong kulang ang bakuna at kung mayroon mang bakuna ay problema naman ang  kakulangan o sirang syringe.