Apat na kalalakihan arestado matapos maaktuhan sa iligal na pangingisda sa karagatang sakop ng bayan ng Sta. Elena

CAMARINES NORTE- Hinuli ng otoridad ang apat na kalalakihan sa bayan ng Sta. Elena Camarines Norte matapos itong maaktuhan sa iligal na nangingisda sa karagatang sakop ng Brgy. San Lorenzo

Ang mga naaresto ay nakilalang sina Alyas “NALDO”, 56 anyos, Alyas “NONOY”, 34 anyos, Alyas “JUAN”, 57 anyos at Alyas “MANDO”, pawang mga residente ng nabanggit na bayan

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Ayon sa imbestigasyong ginawa ng Sta.Elena MPS, naaresto ang mga suspek nang mahuli ang mga ito sa akto na lulan ng bangkang de motor namay pangalang F/U at gumagamit ng mga iligal na gamit sa pangingisda.

Samantala, nakatakas naman ang may-ari ng nasabing bangka na nakilalang si Alyas “MEO”, na residente rin ng nabanggit na bayan

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Nakumpiska ng mga otoridad sa mga ito ang Isang (1) set ng fine mesh net; Dalawang (2) stainless magic ring; at Dalawang (2) piraso ng stainless roller.

Nasa  kustodiya na ngayon ng Sta.Elena MPS ang mga nahuli maging ng mga nakumpiska sa kanila at sila ay haharap sa kasong paglabag sa RA 8550