CAMARINES NORTE- Nakipagpulong kahapon ang mga opisyal ng Primewater sa pangunguna ni Branch Manager Mark Anthony Muroda kay Mercedes, Camarines Norte Mayor Alexander L. Pajarillo.
Sa official facebook page ng Alkalde inihayag nito na napag usapan ang tungkol sa improvement ng water supply sa naturang bayan bagamat hindi na ito idenetalye pa.
Isa ang bayan ng Mercedes partikular sa kasentruhan na nananatiling problema ang suplay ng tubig.
Kung maalala sa isinagawang Press Conference noong nakaraang buwan ay inihayag ni BM Muroda ang mga plano para mapaganda ang serbisyong patubig sa naturang bayan.
Isa umano dito ang ginawang pipe lying sa may Daet Bridge upang ibalik ang mga tubo na naapektuhan ng widening na makakatulong upang magkaroon ng karagdagang suplay ng tubig sa Mercedes.
Mayroon din umanong ilalagay na booster system sa naturang bayan nang katulad sa Basud kung saan ang program of works ay nakapaloob sa work plan para sa taong 2023.
(Photo: Mayor Alex fb)
