Magpepresenta ang NLEX Road Warriors ng bagong import nito dahil sa inaasahang exit ni KJ Daniels mula sa kuponan sa kalagitnaan ng 2021 PBA Governors’ Cup.
Inanunsyo ng NLEX nitong Huwebes na si Cameron Clark ang papalit kay McDaniels, na may malaking naitulong sa 7-3 win-loss card ng kuponan sa conference, na kasunod lamang ng nangungunang Magnolia Hotshots.
Pero bago bumalik si McDaniels sa Estados Unidos, ay maglalaro muna ito sa kaniyang farewell game sa Biyernes kung saan ay makakatapat nila ang defending champion na Ginebra ng alas-6 ng gabi.
Isa si McDaniels sana sa mga may malaking tyansa na magkaroon ng Best Import Award dahil sa kaniyang averages na 30.8 points, 11.6 rebounds, 3.5 assists, 2.8 blocks, at 1.5 steals.
Mababatid na kailangan ni McDaniels na bumalik sa kaniiyang bansa para sa kaniyang misis na nakatakda nang manganak.
Ipinunto naman ni Road Warriors head coach Yeng Guiao na naabisuhan naman sila ni McDaniels noong nakaraang taon pa, ngunit hindi nila inasahan na tatagal ang conference hanggang April dahil sa mga pagkakasuspinde ng mga laro.
