COVID-19 surge sa Catanduanes tila humuhupa na makaraang maitala ang 46 na recoveries at 8 bagong kaso lamang ng sakit nitong weekend

BNFM BICOL–  Tila humuhupa na ang surge ng COVID-19 sa islang lalawigan ng Catanduanes matapos na makapagtala ng mas mataas na recoveries kaysa sa mga bagong kaso ng sakit nitong weekend.

Batay sa ulat ng Department of Health-Bicol, tanging walong bagong kaso lamang ng sakit ang naitala sa probinsya habang nasa 46 naman ang kabuuang bilang ng mga gumaling.

Nitong araw ng Sabado, walong bagong kaso ang naidagdag sa lalawigan kung saan tatlo sa mga ito ang mula sa bayan ng Gigmoto; dalawa sa Virac habang tag-iisang kaso naman ang mula sa mga bayan ng Caramoran, San Andres at Viga.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Kahapon araw ng Linggo, zero new cases ang lalawigan kung kaya’t sa kabuuan ay nasa 2,742 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa isla.

Samantala, nasa 46 naman ang kabuuang bilang ng mga gumaling nitong weekend, makaraang maitala ang 36 na recoveries nitong Sabado at sampong recoveries naman nitong Linggo.

Wala namang naidagdag sa bilang ng mga nasawi kung kaya’t batay sa tala ng PHO, nasa 121 ang kabuuang fatalities ng sakit sa lalawigan.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Patuloy ang paalala ng Provincial Health Office sa bawat Catandunganon na matamang sundin ang mga umiiral na health protocols at COVID-19 restrictions upang mapigilan ang patuloy pang pagdami ng mga tinatamaan ng sakit.

Mananatili pa rin sa Alert Level 4 ang Catanduanes hanggang bukas at inaasahang mapapababa na ang quarantine classification ng lugar pagpasok ng Disyembre ngunit nakadepende pa rin ito sa magiging pagpapasya ng National Inter-Agency Task Force.###