BNFM BICOL—Inihayag ni DOH-Bicol Regional Director – Dr. Ernie Vera na posibleng maranasan muli ng rehiyon ang COVID-19 surge o ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ito aniya ay dahil sa mababang turn out ng vaccination coverage sa Bicol, kung saan karamihan sa mga hindi pa rin tumatangap ng COVID-19 vaccine ang mga may edad na o mga senior citizens.
Ayon sa opisyal, karamihan rin sa mga nagpo-positibo sa virus nitong mga nagdaang linggo ay mga senior citizens na hindi pa bakunado at mayorya din umano sa mga casualties o mga binabawian ng buhay dahil sa naturang sakit ang mga kabilang sa nasabing age group.
Dagdag pa ni Vera, sakabila ng downtrend ng COVID-19 cases na nararanasan ngayon sa rehiyon, hindi pa rin dapat na maging kampante ang publiko dahil marami pa ring mga probinsya ang hindi nakakaabot ng ‘herd immunity’ habang ika-apat naman ang rehiyon sa may ‘poor performance’ sa bakunahan sa buong bansa.###