‘Voters education’, patuloy na isinasagawa ng Caritas Virac at PPCRV sa Catanduanes

BNFM BICOL—Patuloy na isinasagawa sa iba’t-ibang mga bayan sa Catanduanes ang ‘voter’s education’ na pinangungunahan ng Caritas Virac, Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at ng National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL).

Sa isang panayam sinabi ni Caritas Virac, Director – Rev. Fr. Renato Dela Rosa, sa kasalukuyan aniya ay umabot na sa tatlo mula sa 11 mga bayan sa probinsya ang kanilang napuntahan para magsagawa ng Voter’s Ed.

Read More:  Man shot dead while riding motorcycle in Negros Occidental; Three suspects arrested

Maliban dito, nag ho-host din aniya sila ng “forum” sa bawat munisipalidad na kanilang pinupuntahan kung saan binibigyang pagkakataon ng simbahan ang mga lokal na kandidato na magpahayag ng kanilang ‘plata porma de gobyerno’ at mga programang nais isulong sakaling mahalal sa pwesto.

Read More:  Newborn baby girl found at Bohol college parking area

Kasabay nito, nag-oorganisa rin sila ng orientation para sakanilang mga volunteers partikular ng PPCRV na magbibigay ng serbisyo sa araw ng halalan.###