2 bagong kaso, 26 na recoveries at 2 pagkasawi sa COVID-19, naitala sa Bicol kahapon

BNFM BICOL— Nadagdagan ng dalawang bagong kaso ng COVID-19 ang Bicol region kahapon araw ng Miyerkules.

Batay sa ulat ng Department of Health, ang mga naitalang bagong kaso ng sakit ay mula sa bayan ng Talisay sa Camarines Norte habang ang isa naman ay mula sa bayan ng Castilla sa lalawigan ng Sorsogon.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Bunsod nito, umabot na sa 59,042 ang bilang ng mga naitalang kaso ng sakit sa rehiyon kung saan 591 sa mga ito ang nananatiling aktibong kaso.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Samantala, nadagdagan naman ng 26 ang bilang ng mga gumaling daan upang sumampa sa 56,034 ang total recoveries habang nasa 2,417 naman ang bilang ng mga nasawi.###