COVID-19 shots para sa toddlers, sinimulan sa Cuba

Sa kauna-unahang pagkakataon sa buong mundo ay sinimulan na ng Cuba ang pagpapabakuna ng mga bata na edad dalawa pataas laban sa COVID-19.

Gamit ng Cuba ang mga sarili nitong gawa na bakuna na hindi pa kinikilala ng World Health Organization.

Layon ng communist island, na may 11.2-million na populasyon na mabakunahan ang lahat ng mga bata sa kanilang bansa bago ang pagbubukas muli ng mga paaralan na naipasara noon pang March 2020.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Nagsimula na ang bagong school year noong Lunes, ngunit ang mga klase ay ginagawa lamang sa pamamagitan ng mga programa sa telebisyon, dahil karamihan ng mga bahay sa Cuba ay walang internet access.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Nakumpleto na ng Cuba ang clinical trials nito para sa minors gamit ang Abdala at Soberana vaccines, at sinimulan ang inoculation campaign nito para sa mga kabataan noong Biyernes, simula sa 12-anyos pataas.

Noong Lunes naman ay sinimulan ng Cuba ang pagpapabakuna ng 2-11 age group sa central province ng Cienfuegos.