COVID-19 patients, dagsa sa Dutch hospitals; German hospitals, tumulong na

Sinimulan na ng The Netherlands ang paglilipat ng COVID-19 patients nito papunta sa Germany matapos ang pagdagsa ng mga pasyente sa Dutch hospitals.

Ayon sa health authorities, meron isang pasyente ang inilipat sa pamamagitan ng isang ambulansya mula Rotterdam papunta sa isang ospital sa Bochum na tinatayang nasa 240 kilometers ang layo.

Read More:  Spain transport minister resigns following deadly train collision

Mababatid na sumipa ang bilang ng COVID-19 patients sa mga Dutch hospitals sa pinakamataas nitong antas mula pa noong Mayo.

Hindi pa natatapos ang kalbaryo ng Dutch hospitals lalo na at nitong mga huling linggo lamang ay naranasan sa The Netherlands ang record-level na pagtaas ng mga bagong kaso.

Read More:  Nearly 89,000 evacuated in India as Cyclone Arnab approaches

Nitong Martes lamang ay nairehistro ng naturang bansa ang 23,000 na bagong infections sa loob ng 24 oras.