COVID-19 death toll sa Camarines Norte umabot sa halos 300 sa pagtatapos ng 2023

CAMARINES NORTE – Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa lalawigan ng Camarines Norte dahil sa COVID- 19 bago pa man magpaalam ang 2023.

Batay sa datos ng Provincial Health Office, nadagdagan pa ng dalawa ang mga nasawi sa COVID- 19 sa pagtatapos ng 2023 kaya sumampa na ito ngayon sa 299 mula nang magsimula ang pandemya noong 2020.

Read More:  CPSU’s innovation drive earns place among world’s top universities

Sa bilang na ito pinakarami ang naitalang binawian ng buhay dahil sa COVID sa bayan ng Daet na may 73  na sinusundan naman ng Labo na may 51.

Pasok din sa may pinakamaraming nasawi dahil sa sakit ang Mercedes na may 28, Talisay na may 26 at Jose Panganiban na may  25.

Read More:  ₱876,800 smuggled cigarettes seized; 3 arrested in Lanao del Norte

Mayroon naman ngayong anim na aktibong kaso ng sakit na nagmula sa Sta Elena na may dalawa habang may tig- iisang kaso ang Basud, Daet, Jose Panganiban at Talisay.

Dahil dito sumampa na sa 4, 961 ang kabuuang COVID- 19 cases sa lalawigan. Nasa 4, 656 naman o 93. 85 % ang total recoveries as of December 31, 2023.