COVID-19 cases sa Bicol pumalo na sa mahigit 37k

BICOL—Pumalo na sa 37,182 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos madagdagan ng 327 na bagong kaso.

Pinakamataas sa mga bagong kaso ay mula sa Camarines Sur na pumalo sa 98 kung saan 53 nito ay mula sa Naga City, lima sa Iriga City at Cabuaso, tigtatatlo ang Buhi, Calabanga, Canaman, Libmanan, Milaor, Pili at San Fernando, tigdalawa ang Camaligan at Garchitorena at tig-iisa ang Baao, Bombon, Caramoan, Del Gallego, Lagonoy, Magarao, Nabua, Ragay, Pamplona, Sipocot at Tigaon.

70 ang bagong kaso sa Albay kung saan 14 nito ay mula sa Camalig, 11 sa Guinobatan at Ligao City, sampo sa lungsod ng Legazpi, anim sa Daraga, apat sa Bacacay, tigtatlo ang Tiwi at Tabaco City, tigdalawa ang Oas at Polangui at tig-iisa ang Jovellar, Malilipot, Pio Duran at Sto. Domingo.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

63 ang bagong kaso sa Sorsogon kung saan 27 nito ay mula sa Sorsogon City, pito sa Irosin, lima sa Bulan, apat sa Magallanes, tigtatatlo ang Castilla, Donsol, Gubat at Juban, dalawa sa Matnog at tig-iisa ang Barcelona, Bulusan, Casiguran, Prieto Diaz at Sta. Magdalena.

44 ang bagong kaso sa Masbate kung saan sampo nito ay mula sa Mandaon, siyam sa Aroroy, tiglilima ang Claveria, Masbate City at Mobo, tigtatlo ang Cataingan at Cauayan at tig-iisa ang Balud, Milagros, San Fernando at San Jacinto.

35 ang bagong kaso sa Catanduanes kung saan 14 ang mula sa bayan ng Virac, tiglilima ang Bato, Caramoran at Pandan, tatlo sa Viga, dalawa sa San Andres at isa sa Bagamanoc

16 ang bagong kaso sa Camarines Norte kung saan siyam nito ay mula sa bayan ng Daet, tigdadalawa ang San Lorenzo Ruiz at Talisay at tig-iisa ang Basud, Jose Panganiban at San Vicente habang mayroon namang isang nagpositibo na mula sa labas ng Bicol.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Samantala, pumalo na sa 24,090 ang total recoveries matapos madagdagan ng 114 na mga bagong gumaling kung saan 37 nito ay mula sa Sorsogon, tig-20 ang Naga City, Camarines Sur at Masbate at 17 sa Catanduanes.

Sumampa na rin sa 1,106 ang death toll matapos magtala ng sampong panibagong nasawi kung saan lima nito ay mula sa Sorsogon, tatlo sa Camarines Sur at dalawa sa Naga City.

Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng Department of Health Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### || slm