BICOL—Sumampa na sa 34, 053 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos magtala ng 534 na panibagong kaso.
193 nito ay mula sa Camarines Sur kung saan 76 ang naitala sa Naga City, 28 sa Tigaon, 21 sa Goa, 18 sa Libmanan, 15 sa Buhi, anim sa Iriga City, tiglima ang Bato at Pili, apat sa Sagñay, tatlo sa Calabanga, tigdalawa ang Minalabac at Ragay at tig-isa ang Bula, Cabuaso, Lagonoy, Nabua, Ocampo, Presentacion, Sipocot at Tinambac.
138 ang bagong kaso sa Masbate kung saan 30 ang naitala sa Masbate city, 21 sa Cawayan, 20 sa Milagros, 15 sa Aroroy, 14 sa Mobo, walo sa Claveria, anim sa Mandaon, lima sa Batuan, apat sa Cataingan, tatlo sa Baleno, tigdadalawa ang Dimasalang, Pio V. Corpuz, Placer, San Fernando at San Jacinto at tig-isa naman ang Monreal at Palanas.
Ang Albay ay nagtala ng 95 na bagong kaso kung saan tig-13 ang lungsod ng Legazpi at Tabaco, tig 12 ang Camalig at Ligao City, 11 sa Pio Duran, siyam sa Polangui, pito sa Guinobatan, anim sa Sto, Domingo, apat sa Daraga, tigdadalawa ang Bacacay, Libon at Tiwi at tig-isa ang Manito at Oas.
43 ang bagong kaso sa Camarines Norte kung saan sampo nito ay mula sa bayan ng Daet, pito sa Jose Panganiban, anim sa Labo, tiglilima ang Basud, Paracale at Vinzons, tigdalawa ang San Lorenzo Ruiz at San Vicente at isa sa Talisay.
Ang Sorsogon ay may 33 na mga bagong kaso kung saan 16 nito ay mula sa Sorsogon City, tigtatlo ang Bulan at Donsol, tigdadalawa ang Bulusan, Pilar at Prieto Diaz at tig-iisa ang Barcelona, Casiguran, Castilla, Gubat at Juban.
32 ang bagong kaso sa Catanduanes kung saan siyam nito ay mula sa Viga, walo sa Virac, lima sa San andres, apat sa Bato at tigtatlo ang Baras at San Miguel.
Samantala, umabot naman sa 210 ang mga bagong gumaling kung saan 77 ang mula sa Naga City, 63 sa Sorsogon, 57 sa Masbate at 13 sa Catanduanes kung kaya pumalo na sa 23,059 ang total recoveries sa sakit sa rehiyon.
Pumalo na rin sa 1,055 ang death toll matapos magtala ng tatlong panibagong nasawi kung saan dalawa nito ay mula sa Sorsogon at isa sa Camarines Norte.
Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### || slm