Balik trabaho na ang ilang mga empleyado ng city government ng Olongapo na sumalang sa quarantine.
Ito ay makaraang magnegatibo ang resulta ng rt-pcr test pagkatapos na makasalamuha ang mayor ng Olongapo na nagpositibo sa corona virus disease.
Matatandaan, noong nakaraang linggo ay binuksan ang covid-19 molecular laboratory sa lungsod na dinaluhan ng ilang opisyal at empleyado ng siyudad at ilan sa mga ito ang sumubok na magpasuri ng specimen.
Kabilang sa mga high risk o nakasalamuha ng matagal ni Mayor Lenj Paulino ay ang city health officer, dating disaster management officer at iba pa na pare-parehong nagnegatibo na sa ikalawang swab test.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO
