NAGA CITY- Ikinunsiderang COVID-FREE ang Naga City kahapon matapos na walang maitalang bagong kaso at walang active cases.
Ito ang masayang inanunsyo ng Naga City Government matapos ang 21-buwan kung saan nakapagtala ang Naga nasa 6, 000 na kaso. Patuloy ang panawagan na sundin ang health protocols. Ganito rin ang panawagan ng Department Health Bicol.
Gayunpaman, tuloy-tuloy ang pagbabakuna laban sa nasabing sakit. Pwede na ring magpabook sa booster shots para sa mga tatlong buwan na ang nakakalipas simula nang nakatanggap ng 2nd dose ng Sinovac, Pfizer at Moderna Vaccine o 1st dose ng Janssen Vaccine. Naghahanda na rin ang Naga City sa pagbabakuna ng mga 5-11 anyos.
Umaasa si City Health Officer Dr. Butch Borja na tuloy-tuloy ang Zero COVID case.
Sa record ng DOH Low Risk na ang classification ng Naga at lalawigan ng Camarines Sur.