COVID-19 active tally, bumaba sa 32K

Nagtala ang Department of Health (DOH) ng 265 na mga bagong kaso ng COVID-19, habang ang active case tally ay lalo pang bumaba sa 32,463.

Kaugnay nito, ang COVID-19 tally ay nasa 3,680,244 na.

Sa gitna nito, iniulat ng DOH ang kabuoang recoveries sa 3,588,359, habang ang death toll ay tumaas pa sa 59,422.

Sinabi ng ahensya na may 21,274 na mga indibidwal na tenest para sa COVID-19, habang may 313 testing laboratories ang nagsumite ng kanilang datos as of April 5.