Govt, dapat maghanap ng win-win solution para magamit lahat ng COVID vax

Tutol si Health reform advocate Tony Leachon, dating adviser ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, laban sa plano ng gobyerno na magdonate ng COVID-19 vaccines sa ibang mga bansa.

Ayon kay Dr. Leachon, malaki parin ang mabebenepisyo ng mga Pilipino mula sa 27 million COVID-19 vaccine doses na pumapalo sa P13 billion, na nakatakdang mag-expire sa Hulyo, gaya umano ng ibibigay na Sputnik na mayroong 92.3% na efficacy rate.

Para sa kanya, dapat magkaroon ng win-win solution ang gobyerno para dito.

Sa gitna nito, pabor si Leachon sa mungkahi na i-redefine ang “fully vaccinated,” para mahikayat ang mas maraming tao na kumuha ng proteksyon laban sa virus, lalo na’t may banta ng Omicron XE variant sa ilang mga bansa.

Giit ng dating adviser, ang Omicron XE ay 10% na mas nakakahawa kumpara sa BA.2 subvariant o “stealth Omicron.”