ADB, tinatayang lalago ang ekonomiya ng Ph ng 6% ngayong taon, 6.3% sa 2023

Tinataya ng Manila-based Asian Development Bank (ADB) na lalago ang ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon at sa 2023, sa likof ng tumataas na domestic investment at consumption, matapos na luwagan na ang pandemic, dahilan para mabigyang daan ang mas marami pang manufacturing at construction activities.

Sa kanilang flagship publication, ang Asian Development Outlook 2022, sinabi ng multilateral lender na ang gross domestic product (GDP) ng bansa ay nakikitang lalago ng 6% ngayong taon, at lalo pang tataas sa 6.3% sa 2023.

Ayon kay ADB Philippines country director Kelly Bird, makikita ang halos lahat ng indicators point para sa mataas na paglago sa Pilipinas ngayong taon at sa 2023.

Sinabi naman nito na ang mga polisiya para sa pagtatayo ng mas matatag na micro, small, at medium-sized enterprises (MSMEs), ay may malaking papel sa economic recovery ng bansa.