Lumusot na sa makapangyarihang Commission on Appointments si Commission on Audit (COA) commissioner Gamaliel Cordoba.
Matatandaaang nakaraang linggo nang suspendihin ang kanyang confirmation hearing nang maungkat ang ilang isyu noong siya pa ang National Telecommunications Commission chief kabilang na ang non-renewal ng franchise ng ABS-CBN.
READ MORE:
Inisa-isa rin ang mga backlogs ng COA kung saan, siniguro ni Cordoba na minamadali na nila ang nasa 4,000 mga pending audits ng tanggapan.
Ngayong hapon, isasalang na sa plenaryo ang approval ng appointment ni Cordoba.
Matapos ang pagsalang ni Cordoba ay humarap din sa CA si Energy Secretary Raphael Lotilla.
Mananatili si Cordoba bilang COA chief hanggang sa February 2, 2029.
Hindi mapipigilan ng NDA ang auditing sa vaccine procurement ng DOH
Nahalukay din ang isyu ng pagbili ng bakuna sa Department of Health (DOH).
Una na kasing kinuwestyon sa Senado ang nahintong auditing sa mutlibillion-peso vaccine procurement sa DOH dahil sa inisyung non-disclosure agreement o NDA.
Sa pagharap ni Cordoba sa CA panel, tiniyak niyang nakikipag-coordinate na sila sa mga resident auditors sa Kagawaran at nalamang sila na mismo ang humingi ng special audit.
Nilinaw din ni Cordoba na hindi mapipigilan ng NDA ang imbestigasyon para rito.
Sakali man aniyang hindi makapagsumite ng mga kinakailangang dokumento ang DOH ay handa silang mag-isyu ng subpoena.
Bago pa man ito, una nang sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na handa silang makipagtulungan sa auditing ng COA.
Ople, lusot sa CA
Pinalusot na rin sa plenaryo ang ad interim appointment ni Department of Migrant Workers secretary Toots Ople.
Bago ito, mabilis na inaprubahan ng panel ng Commission on Appointments ang confirmation hearing ng Kalihim.
Sa pagharap ni Ople sa CA, muli niyang tiniyak ang kanyang ‘full dedication’ para sa pagsisilbi sa mga overseas Filipino workers o OFWs.
Inisa-isa rin ni Ople ang kanilang mga programa para sa kapakanan ng ating mga kababayan abroad, kabilang na ang pagaasikaso sa isyu ng mga hindi nabayarang sahod ng nasa 10,000 mga OFWs sa Saudi Arabia.
Siniguro rin ng Kalihim na mas hihigpitan pa nila ang pagbabantay sa mga recruitment agencies para maiwasan ang trafficking, at pang-aabuso ng mga foreign employers.
Confirmation hearing naman ni Energy Secretary Lotilla, sinuspinde
Hindi naman natapos ang confirmation hearing ni Energy Secretary Raphael Lotilla dahil sa kakulangan ng oras.
Sa pagharap ni Lotilla sa makapangyarihang Commission on Appointments, naungkat ang iba’t ibang mga isyu hinggil sa Kalhim.
Kabilang na rito ang posibleng ‘conflict of interest’ ni Lotilla dahil sa pagiging independent director nito sa isang pribadong kumpanya bago pa man ma-appoint sa DOE.
Sakali mang hindi matapos ang deliberation ng ad interim appointment ni Lotilla bago mag-Christmas break ang Kongreso – may tiyansang ma-bypass na ito ng CA at kailangang ma-reappoint muli ng Pangulo.
Matatandaaang maliban kina Cordoba at Lotilla, una nang lumusot sa CA ngayong araw si Migrant Workers Secreatary Toots Ople; habang nakatakda pang humarap sa kumite sina NEDA Secretary Aresnio Balisacan, DICT Secretary Ivan John Uy; at DHSUD Secretary Jose Rizalion Acuzar.
#



