“Cover-up” issue sa nakitang kalansay sa Sta. Lourdes, hindi totoo-PNP

Mariing pinabulaanan ng Puerto Princesa City Police Office ang isyu na “cover-up” o mayroong itinatago kaugnay sa paghahanap kay Jovelyn Galleon.

Ayon kay PCPT. Victoria Carmen Iquin, nagpapatuloy ang imbestigasyon at hindi totoo na mayroong pinagtatakpan ang PNP sa pangyayari.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Kaugnay ito sa nakitang kalansay kahapon ng madaling araw sa masukal na bahagi sa Purok Pulang Lupa, Barangay Sta. Lourdes na itinuro umano ng isa sa suspek na ito ang nawawalang dalaga.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ipinaliwanag din ng PNP na masasabing “solve na ang kaso” kung mapatunayan sa pamamagitan ng DNA testing at Odontological examination na mga butong nakuha ay kay Jovelyn.