Medicolegal expert, duda sa kalansay na natagpuan sa Barangay sta. Lourdes

Nagpahayag ng pagdududa ang isang Medicolegal Officer na taga- Puerto Princesa sa katauhan ni Dr. Eunice Herrera kaugnay sa pagkakatuklas ng kalansay ng tao sa Purok Pulang Lupa Barangay Sta. Lourdes, Puerto Princesa City.

Ang kalansay ay iniuugnay at pinaniniwalaan ngayon na mula sa dalagang si Jovelyn Galleno, na mahigit dalawang Linggo nang pinaghahanap.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ayon kay Dr. Herrera, bilang doctor sa kanyang pagtingin matapos magsagawa ng maraming beses na pag-autopsy at wala aniyang naaagnas na katawan at makalipas ang dalawang linggo ay kalansay na agad.

May mga araw, linggo at buwan aniya bago “nadedecay” ang katawan kahit pa ikonsidera ang lagay ng panahon ( ulan at init ).

Sa mga panahong ito ( dalawang Linggo ) partikular sa kaso ng paghahanap kay Jovelyn ay dapat aniyang nasa “stage of decomposition” pa lang ito o ang nawawala.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Dapat rin aniyang mangamoy  muna ito kung nasa dalawang Linggo pa lamang mula nang mamatay.

Samantala, una nang inihayag ni PMAJ. NOEL MANALO ng Police Station 2 na subject pa sa DNA test ang kalansay at iche-check din ang Dental records nito.