Inotorisa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaloob ng one-time gratuity pay sa contract of service (COS) at job order (JO) workers sa gobyerno.
Pinirmahan ng Pangulo ang Administrative Order No. 46 na nagkakaloob ng one-time gratuity pay na hanggang P5,000 sa bawat isa sa lahat ng government workers.
Gayunman, dapat ay nakapag-render ang mga ito ng at least four months ng actual satisfactory performance, na nakapaloob sa kanilang mga kontrata, as of December 15.
Magiging pro-rated naman ang gratuity pay ng iba na nakapag-render ng trabaho na hindi lalampas ng apat na buwan.
Kabilang sa mga saklaw ng kautusan ay ang mga nagtatrabaho sa national agencies, state universities and colleges, government-owned or controlled corporations, at local water districts.
