Bilang ng mga sugatan sa paputok, umakyat sa 25 ayon sa DOH

Umakyat sa 25 ang bilang ng mga sugatan sa paputok ngayong taon matapos itong madagdagan ng 2.

Naglalaro sa anim hanggang 34 na taong gulang ang edad ng mga biktima.

Sinabi ng Department of Health na 108% na mas mataas ang bilang ng fireworks related injuries ngayong taon kumpara sa 13 na naitala noong 2020.

Read More:  Facebook ban in Philippines possible as CICC warns meta over laws

Gayunman, 61% na mas mababa pa rin ito kumpara sa five-year average na 92 cases na naitala sa parehong panahon.

Read More:  Davao Region outpaces national economic growth at 5.1%

Samantala, naiulat rin ng DOH na 21 sa mga kaso, o 81% ay dahil sa ilegal na paputok, habang 7 o 30% ay dahil sa boga.

Sa ngayon naman ay wala pang naitatala ang DOH na anumang kaso fireworks ingestion, ligaw na bala, o nasawi.