Convoy ng Barangay Chairman sa Cotabato City, tinambangan

APAT KATAO ang sugatang isinugod sa pagamutan matapos ang nangyaring pananambang sa isang Toyota Hi Ace Van na sinasakyan ni Kalangan 2 Chairman Datu Edris Ayunan Pasawiran dakong ala 7:50 ng gabi kagabi sa bahagi ng Mabini St., Brgy. Bagua 3.

Ayon sa Cotabato City PNP Station 1, tatlo sa nasabing bilang ang kritikal kinabibilanan nina AMAL MASULOT, TANTO PALOLOD, MICHAEL AVILA, matapos tamaan ang mga ito ng bala sa bahagi ng kanilang mga ulo, habang sa kaliwang kamay naman tinaman ang isang MICHAEL AVILA at ang target na si KAP DATU EDRIS AYUNAN PASAWIRAN ay maswerting hindi tinamaan.

Lumlalabas sa imbestigasyon, galing ang mga biktima sa pamamahay ng isa sa mga asawa ni Kap Edris ng paulanan ng mga hindi pa tukoy na mga salarin ang naturang sasakyan na isang Toyota Hi-Ace Deluxe Van na may registered plate na BG579A.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Sa ginawang hot operation ng mga elemento ng City PNP at ng Marine Battalion Landing 5 at kanilang narekober ang inabandonang umanoy getaway vehicle na isang silver Mazda minivan na may plakang NBC1215 sa bahagi ng Brgy. Rosary Heights 3 at sa pagrikisa ng mga otoridad ay mayroong nakitang dugo sa drivrer’s seat at nakakuha din ng isang Caliber 45 pistol at dalawang galoon ng gasoline.

Tadtad ng bala ang naturang Van samantalang nagkalat sa crime scene ang mahigit isang daang samutsaring basyo ng bala kasama ng dalawang silencer mula sa 5.56 Armalite rifle.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Ayon sa pahayag ni MB Bagua Chairman Kap Lily Ayunan Pasawiran, agad-agad silang mag-uusap na magkakapamilya sa pagkat nakailang beses na umanong naging biktima ng pananambang ang kanilang panig at ang huli ay pagkakabaril patay sa kanyang treasurer kasama ng musmos nitong anak.

Umaasa si Kap Lily na magiging pataas at madali ang isasagawang imbestigasyon ng mga otoridad.

Sa ngayon nakaconfine sa isang pagamutan ang mga biktima habang nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad.