Isang 76-anyos na lola na nagngangalang Bella Montoya sa Ecuador ang bigla na lamang gumising sa kabaong sa kaniyang sariling burol na kung saan, kasalukuyan na ring ginagamot at inoobserbahan sa kaparehong ospital kung saan idineklara ang kaniyang pagpanaw makalipas ang dalawang araw
Sa isang bidyo na nagviral sa twitter, makikita ang pagbuntong-hininga ng isang lola kung saan inalalayan siya ng dalawang lalaki.
Ayon sa anak na si Gilbert Balberan, pinagtatapik raw nito ang nitso makalipas ang limang oras na nakaburol na ito.
Naging usap-usapan ito at agaran itong isinapubliko ng mga midya sa Ecuador na may headline na “celebrating woman’s resurrection” kung saan maituturing na kagimbal-gimbal na insidente.
Nang muli itong dalhin sa ospital ay unti-unti na umano itong nagrereact at nasa stable naman umanong kalagayan ang puso kung saan isang magandang balita para sa anak na si Gilbert.
Ayon din sa ministry nagsasagawa na ng imbistigasyon ang komite sa insidente ng pagdeklara ng pagkamatay nito at ang patuloy na pagbabantay sa kalagayan ni Montoya.
Sa ngayon hangad pa rin ng anak ang patuloy na paggaling ng ina upang muling makapiling ito.|WENCY LISAY