SORSOGON CITY – Naghihintay pa rin ang Technical Educational Skills and Development Authority (TESDA)- Sorsogon na maaprubahan ng kanilang central office ang alokasyon ng Qualification Map na Contact Tracing Course sa lalawigan.
Sa pahayag sa Brigada News ng TESDA Acting Provincial Director na si Arcangel Rodriguez, bagama’t matagal na umanong nagbigay ng impormasyon sa publiko ang kanilang opisina noon na magiging abelable na ang nasabing kurso sa lalawigan ay wala pa ring abiso mula sa kanilang central office upang maisakatuparan na ang nasabing kurso.
Kung babalikan, nag-offer ng contact training program ang TESDA sa ibang rehiyon para sa nagnanais maging contact tracers.
Una nang inilunsad ng TESDA ang contact tracing training program nito sa National Capital Region.
