Content creator na si “DEAFinitely Beautiful,” nagbibigay inspirasyon sa deaf community

Nagsilbing inspirasyon ang isang content creator para sa deaf community.

Ginawa niya kasing instrumento ang social media para mag-share ng mga content tungkol sa pagiging deaf, na nakapagbubukas sa isipan ng mga tao tungkol sa kanilang kalagayan.

Nakakuha na agad ng mahigit 500,000 followers at 16 million likes si Erline Grace Maniquis o mas kilala bilang si “DEAFinietly Beautiful.”

Saad ni Erline, hindi raw limitasyon ang kawalan ng pandinig sa mga bagay na kayang gawin ng DEAF community.