Contact tracing, aksaya lang sa maraming resources sa ngayon – Duque

Naniniwala si Health Secretary Francisco Duque III na magiging aksaya lang sa maraming resources ang pagsasagawa ng contact tracing sa panahon ngayon.

Sinabi ni Duque na mabilis nang kumakalat ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa, at parami nang parami ang mga komunidad na nagiging infected.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Ayon sa kalihim, meron pang mga mas mahalagang mga aktibidad na magagawa, kabilang na ang pag-monitor sa mga indibidwal na sumasailalim sa home isolation, teleconsultations, at vaccination.

Iginiit ni Duque na ang mga nasabing aktibidad ay “high-impact” at mas makabuluhan kaysa sa pagsasagawa ng contact tracing na mahirap nang gawin sa panahon ngayon.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Binigyang diin ni Duque na ipaprayoridad ng gobyerno ang testing ng healthcare workers, senior citizens, at ng mga indibidwal na may comorbidities.