Construction worker sa Lucban, Quezon, sinaksak ng katrabaho dahil sa pagtatalo kung sinong mas magaling kumanta sa kanilang dalawa

Sugatan ang isang construction worker ng Southern Luzon State University sa Lucban, Quezon matapos itong saksakin ng kanyang katrabaho dahil umano sa pagtatalo kung sino ang mas magaling kumanta sa kanilang dalawa.

Ayon sa Lucban Pulis, nakatanggap sila ng tawag mula sa security guard ng nasabing unibersidad patungkol sa insidente kung saan sinaksak umano ni Elmer Monares, 26 anyos ang kanyang katrabaho na si Robert Raterta, 35 anyos ng dalawang beses sa kaliwang braso bandang alas-7 ng gabi nitong Linggo sa loob ng kanilang barracks.

Read More:  Ashfall, sulfur odor reported in parts of Negros after Kanlaon eruption

Parehas umanong nakakainom ang dalawa at nagtalo kung sino ang mas magaling sa kanilang kumanta sa dinaluhan nilang birthday party kung saan may kantahan sa videoke.

Read More:  Over ₱700,000 in gadgets stolen from Cebu shop, two suspects arrested

Agad namang dinala sa MMG Lucban Hospital ang biktima habang boluntaryo namang sumuko ang suspek sa pulisya. | Brian Zagala, BNFM Lucena