Construction worker, patay matapos paluin ng golf club sa ulo sa Quezon City

Patay ang isang contruction worker matapos paluin sa ulo ng golf club ng nakaalitang kapitbahay sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Ronald Pepito Villegas, 39-anyos.

Pinaghahanap pa ng mga otoridad ang suspek sa ngaoyn.

Ayon sa imbestigasyon, sinugod umano ng biktima ang suspek sa bahay nito at nagtalo dahil sa pintura ng aerosol.

Nagalit naman ang suspek at kinuha ang golf club sa kanyang bahay kung saan hinabol nito ang biktima at pinaghahampas ng ilang beses sa ulo.

Isinugod pa sa ospital si Villegas ngunit idineklara na itong dead-on-arrival.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa nangyaring krimen habang tinutugis ang salarin.