BNFM BICOL- ARESTADO dahil sa kasong Homicide ang 46-anyos na lalaking si alyas “Edwin”, construction worker, residente ng barangay Sogod Tibgao, Virac Catanduanes.
Kilala itong Most Wanted Persons sa Lipa City, Batangas at dahil sa buong puwersa ng San Miguel Municipal Police Station at Catanduanes 1st Provincial Mobile Force Company natimbog ang naturang suspek sa bisa ng warrant of arrest na mula pa sa RTC Branch 12, Lipa City, Batangas.
Sa ngayon nasa kustudiya na kapulisan ang naturang suspek para sa kaukulang disposisyon. ### KENNETH BERMIL