Construction and rehabilitation sa ilang communal irrigation system sa Naga City, isinasagawa bilang paghahanda sa El Niño Phenomenon

NAGA CITY –Pinondohan ng mahigit dalawang milyong piso ng National Irrigation Administration Bicol ngayong taong 2024 ang ilang proyekto nila sa Naga City, tulad ng Installation of Intake and sluice  gate, construction of canal lining  sa main canal nito sa Barangay Balatas.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

May kaparehong projects pa rin sa upper barangay ng lungsod, tulad ng sa Panicuason, San Felipe at San Isidro o iba pang lugar na nakapaligid sa Yabu river na siyang nagsisilbing water source ng irigasyon na ang tubig ay patungo sa mga palayan sa  nabanggit ng mga lugar.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Sa pahayag naman sa Brigada News FM Naga ni Maria Cleofe Baraero, Public Information Officer ng NIA-Bicol, sinabi niyang isa ito sa ipinatutupad na proyekto ng ahensiya nila bilang paghahanda na rin sa magiging epekto ng El Niño Phenomenon, na unti-unti na ring nararamdaman ngayon ng publiko.