Consignee package na 20.4-M halaga ng shabu sa NAIA, naaresto ng mga awtoridad sa Pasay

Naaresto na ng mga awtoridad ang consignee ng package na naglalaman ng ₱20.4-M na halaga ng hinihinalang shabu sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nadakip ang 51-anyos na suspek sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Narekober sa operasyon ang tatlong self-sealing plastic pouch na naglalaman ng hinihinalang shabu na may label na whey protein.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Sa ngayon ay nasa PDEA office ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Customs Modernization and Tariff Act.