Congressman David Suarez, Naluklok bilang bagong Deputy Speaker

Itinalaga bilang bagong Deputy Speaker ng House of Representative si Quezon 2nd District Congressman David “Jayjay” Suarez, upang palitan si dating Batangas 6th District Representative Ralph Recto na ngayon ay itinalagang kalihim ng Department of Finance.

Ang naturang mga hakbangin na ito ay sa pagpapasa ng isang motion ni Majority Floor Leader and Zamboanga City 2nd District Rep. Manuel Jose Dalipe, na sinang-ayunan ng nakararami.

Samantala, matatandaan na si Congressman Suarez ang pumukaw sa atensyon ng committee on legislative franchise upang imbestigahan ang Sonshine Media Network International (SMNI).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *