Cong TV, namanhikan na sa pamilya ni Viy Cortez

Ibinahagi ng vlogger-influencer couple na sina Cong TV at Viy Cortez ang naganap nilang pamamanhikan.

Sa Instagram post ni Viy, makikita rito ang kanyang pamilya, ang buong pamilya nina Cong, at ang ilang miyembro ng team Payaman.

Read More:  Anne Curtis fires back at netizen who called her “Retokada”

Hindi rin nawala sa pamamanhikan ang Team Payaman babies na sina Kidlat, Mavi, Viela, at Isla.

Read More:  Lakam Chiu’s father visits daughter in police custody

Lubos naman ang pasasalamat ni Viy kay Cong – dahil hindi lang daw apelyido nito ang ibibigay sa kanya, kung ‘di pati pangalawang pamilya.

Matatandaang na-engage ang magkasintahan noong November 2022.