Barangay Chairman sa Pampanga, patay sa ambush

Patay ang isang barangay chairman at driver nito nang tambangan at pagbabarilin habang lulan ng SUV kahapon sa San Fernando, Pampanga.

Sa ulat ng scene of the crime operatives, dead-on-the-spot sina Chairman Matt Ryan dela Cruz ng San Pedro Cutud at driver nito matapos magtamo ng sampung tama ng bala.

Sa kuha ng CCTV, nakaparada ang sinasakyan nitong SUV sa isang gasolinahan na 500 metro ang layo mula sa City hall nang paputukan sila ng hindi pa nakikilalang gunman.

Ayon sa kaanak ng punong barangay, bago nangyari ang pananambang ay nanggaling ang biktima sa barangay hall para tulungan ang isang pasyente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *