CAMARINES NORTE- Inihayag ng National Irrigation Administration (NIA) na magpapatuloy pa rin ngayong taon ang condonation program upang malinis ang pagkakautang ng mga magsasaka.
Ayon kay Mar Villamonte, Public Information Officer ng NIA Camarines Norte magpapatuloy ang programa habang wala pang ipinapalabas na anunsiyo ang Pangulo na ititigil na ito.
Kaya naman patuloy na hinihikayat ng NIA ang lahat ng magsasaka sa National System mula sa mga bayan ng Daet, Vinzons, Talisay, Basud at bahagi ng Mercedes at Labo na nasa ilalim ng National irrigation system (NIS) na magtungo na sa kanilang opisina at i- avail ang programa.
Kinakailangan lang dalhin ang alinman sa mga sumusunod tulad ng Tax Declaration, EP, Certificate of Land Transfer at Certificate of Title.
Kung wala ng mga nabanggit na dokumento ay maaari umanong humingi ng certification sa Punong Barangay na magpapatunay na pag- aari ang lupa.
Kung tenant naman o taga gawa lang ay maaaring mag apply kasama ang valid ID ng taong magpo-proseso ng papel para sa condonation.
Sa datos ng NIA, sa 252 lots at 182 land owner sa Bactas, Matnog Mampili (BMM) NIS sa bayan ng Basud ang nakakapag avail pa lang ay 178 lots o may natitira pang 74.
Sa Cahabaan-Itomang-Binanuaan-Alawihao-Calintaan (CIBAC) sa 453 lots at 326 landowner nasa 246 lots pa lang ang nakaka- avail.
Sa Daet (COSAN) Cobangbang San Isidro NIS sa 185 lots at 135 landowner ay nasa 98 pa lang ang nakaka- avail o may natitira pang 87 lots.
Sa Talisay pa rin na sakop ng DTRIS Div. C NIS, sa 1, 450 lots at 962 landowner nasa 604 lots pa lang ang nakaka- avail o may natitira pang 846 lots.
Ang sakop naman ng Itomang Small Farmers NIS sa bayan pa rin ng Talisay ay nasa 87 lots pa lang din ang nakaka- avail o may natitira pang 42 lots sa 129 lots at 97 landowner.
Sa Daet naman na na sakop ng Gahonon-Borabod-Gubat-Tagontong NIS nasa 378 lots pa lang ang nakaka- avail sa 842 lots at 629 landowner.
Maliban sa mga nabanggit may mga hindi pa rin nakaka- avail sa iba pang mga bayan sakop ng NIS.
Sa kabuuan nasa 2, 577 lots sa Daet- Talisay RIS ang nakapag- avail na sa programa habang mayroon pang 2, 709 lots ang dapat i- avail ng mga magsasaka.
