Comprehensive Land Use Plan ng bayan ng Capalonga aprubado na matapos ang 30 taong paghihintay

CAMARINES NORTE- Aprobado na ang Municipal Comprehensive Land Use Plan (MCLUP) ng bayan ng Capalonga Camarines Norte matapos ang tatlumpung taong paghihintay.

Inaprobahan ito  noong Martes, Disyembre 21, 2021 ng Provincial Land Use Committee sa pamamagitan ng unanimous vote.

Ang bagay na ito ay inanunsiyo sa official facebook page ng nabanggit na lokal na pamahalaan kahapon.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Ang Municipal Land Use Plan o MCLUP ay isang plano na tumutukoy sa pagtatalaga ng klasipikasyon ng lupa sa bawat bayan o probinsya.

Ang mga tao umano mismo sa bawat barangay sa pamamagitan ng public consultation ang nagtalaga ng klasipikasyon ng lupa  ito man ay agricultural, industrial, commercial, residential at iba pa.

Ito rin ang gabay upang maisaayos ang pagpapa-unlad ng mga imprastraktura sa kasalukuyan at sa hinaharap kasabay ng pangangalaga sa kalikasan at pagtitiyak ng kaligtasan ng mga mamamayan.

Read More:  UP-Cebu alumnus who campaigned for free education killed in Negros encounter

Ayon sa Lokal na Pamahalaan, nakatutok sa pag-abot ng Vision na gawing Ecotourism destination ang Capalonga na patungo naman sa pagpapasigla ng  ekonomiya kung saan ang lahat ay makikinabang gayundin ang mga nagsisimulang negosyante sa pamamagitan ng pagkakaroon ng oportunidad para sa mga magsasaka, mangingisda, laborers, vendors, mga nagnanais magnegosyo at iba pa.