CAMARINES NORTE- Aabot sa dalawampung magkapareha ang nagpalitan ng “I do’s” sa ginawang Kasalang Bayan 2021 sa Basud kamakalawa.
Isa itong programa ng Lokal na Pamahalaan na naglalayong mapagtibay, maging ganap at legal ang pagsasama ng couple.
Nagpaabot naman ng pagbati ang Lokal na Pamahalaan sa mga bagong kasal.
Kalakip ng pagbati ay ang hangad na maging matagumpay at punong- puno ng pag ibig ang pagsasama ng mga mag asawa simula ngayon at sa mga susunod na panahon.
Nagpasalamat naman ang Executive Department sa Sangguniang Bayan dahil sa ibinibigay nitong suporta at pag prioridad upang maisakatuparan ang libreng kasalan at pagbibigay ng mga regalo sa mga bagong kasal.
Mababatid na naging regular na ring programa ng LGU ang mga kasalang bayan.
Pero dahil sa pandemya ay matagal- tagal ding panahon na hindi nagsagawa ng mass wedding dahil sa mga restriction at pagsunod sa health protocols.
