CAMARINES NORTE- Target ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Camarines Norte na makapagpabakuna ng nasa 182, 000 beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s kasama na dito ang kanilang household members na pwede nang bakunahan.
Mababatid na mayroon ngayong mahigit 33, 000 benepisyaryo ng 4P’s sa lalawigan at nais ng ahensiya na mabakunahan pati ang kanilang mga kasama sa bahay na edad 12 anyos pataas.
Ayon DSWD sa ngayon ay nasa 24, 454 na benepisyaryo ng 4P’s ang nabakunahan na.
Kasama sa nabanggit na bilang ang mga kasamahan sa bahay.
Mas tataas pa ang bilang na ito dahil sa patuloy pag- update ng datos sa mga nabakunahan.
Katatapos lang din ng ginawang dalawang araw na pambansang bakunahan.
Ayon pa sa ahensiya hindi sila humihinto sa panghikayat sa mga beneficiaries na magpabakuna dahil mayron pa rin daw na ayaw magpabakuna kontra COVID- 19.
Nauna nang sinabi ng ahensiya na hindi pinipilit na magpabakuna ang mga benepisyaryo ng pantawid kapalit ng ayuda.
Ang kanila umanong ginagawa ay hikayatin lang ang mga benepisyaryo na magpabakuna at ipaliwanag sa mga ito ang benepisyong hatid ng bakuna kontra COVID- 19.
