CAMARINES NORTE- Humiling ng Special Operations Group bilang karagdagang pwersa ang Camarines Norte Coast Guard Station mula sa kanilang District Office sa Legazpi City para sa gagawing Triathlon sa Abril 10 sa bayan ng Talisay.
Bahagi ito ng month-long celebration ng 18th Bantayog Festival na dalawang taong walang pisikal na aktibidad dahil sa COVID- 19 pandemic.
Ayon kay LTJG Ronnie Rey Pabico, Acting Station Commander ng Coast Guard Camarines Norte nasa 800 meters ang lalanguyin ng mga participants kaya kailangang mag- augment ng tao gayundin ng floating asset.
Ito umano ay para masiguro ang kaligtasan ng mga lalahok sa aktibidad.
Sa ngayon ay mayroong pitong personnel ang Coast Guard Sub- station sa Vinzons, apat ay naka deploy sa Calaguas at dalawa sa Talisay wharf.
Sa Mercedes sub -station naman ay mayroong limang personnel hindi pa kasama ang mga tauhan sa station at isang aluminum boat.
Mayroon ding limang personnel ang Jose Panganiban sub- station at isang aluminum boat habang ang Paracale sub- station ay mayroon ding floating asset.
Lahat umano ng Coast Guard personnel sa lalawigan ay bakunado na kontra COVID- 19.
