Inilahad ni resigned SRA chief Hermenegildo Serafica na wala umanong objections sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Executive Secretary Victor Rodriguez sa proposal na umangkat ng asukal, nang ilahad ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang naturang ideya.
Ang pahayag ni Serafica ay sa gitna ng patuloy na imbestigasyon ng mga senador sa bigong tangkang pag-angkat ng 300,000 metric tons ng asukal dahil sa kakulangan ng authority mula sa pangulo.
Kaugnay nito, inalala ng dating former SRA chief na ginawa niya ang naturang mungkahi sa pulong sa Malacañang noong August 1, para mag-draft ng order para sa isa pang importation program, na aaprubahan ng SRA board.
Inilatag ni Serafica ang detalye ng pulong, matapos siyang matanong ni Senator Risa Hontiveros, kung anu ang nagpaniwala sa kanya na suportado nina Marcos at Rodriguez ang isa pang round ng sugar importation.
Samantala, wala pa namang komento ang Palasyo o si Rodriguez hinggil dito.
