Community pantry ng PNP umabot na rin sa islang Barangay

CAMARINES NORTE- Umabot na rin ang community pantry ng Philippine National Police (PNP) sa malalayong barangay.

Noong Biyernes ay tinungo ng mga tauhan ng Mercedes Municipal Police Station ang islang Barangay ng Apuao sa naturang bayan upang mag abot ng kaunting ayuda sa mga namamarangay.

Ang programang Food Bank na tinawag na “Barangayanihan” ay ilang linggo nang ginagawa ng kapulisan sa iba’t- ibang bayan at barangay sa Camarines Norte.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Layon ng programa na makapag abot ng tulong sa mga mahihirap na pamliya na labis na naapektuhan ng COVID- 19 pandemic.

Tiniyak naman ng PNP na nasusunod ang Minimum Health Protocols sa pagsasagawa ng aktibidad.

Katuwang din ng Mercedes MPS sa pagsasagawa ng naturang aktibidad ay ang PNP Maritime Command at pribadong grupo.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Naisakatuparan din ang community pantry dahil sa mga donasyong natatanggap ng PNP mula sa iba’t- ibang grupo at personalidad.