MASINLOC, ZAMBALES-Bukas pa rin at nagbibigay ng mga endemic at fruit bearing tree seedlings ang CENRO sa Masinloc, Zambales.
Ito ay sa pamamaraang tinaguriang ‘Community Pantree’ na hango sa nausong community pantry sa bawat komunidad.
Ayun sa CENRO naka-display lamang sa bakuran ang mga tree seedlings na ipamimigay sa mga interesado at nais maging kabahagi ng kamalayan sa climate change.
Ang mga seedlings na ipinamimigay ay fruit tree species gaya ng duhat, rambutan, caimito at guyabano.
Ang mga endemic trees ay ambales hungo, pasnit kitid, eucalyptus at acacia auri.
Dagdag pa ng CENRO sa pagkuha ng mga seedlings ay siguraduhing nakasuot ng facemask at sundin ang social distancing upang makaiwas sa sakit na covid19.//Russell Banawa-BNFM IBA
Photo Courtesy: Denr-Cenro Masinloc Zambales
