CAMARINES NORTE- Pakikinabangan na ang isang Communal Irrigation Project sa isang Barangay sa bayan ng Jose Panganiban.
Noong nakaraang lingo ay nai- turn over na ng National Irrigation Administration (NIA) ang completed Tamisan Communal Irrigation Project sa Farmers Irrigators Association sa barangay Tamisan sa pamamagitan ng kanilang Pangulo na si G. Renato Tatac.
Ayon sa NIA bahagi lamang ito ng serye ng turn over ng mga proyekto sa gitna ng pandemya.
Ang completed projects ay kinabibilangan ng construction of dam, canal structures and canalization works, na bumubuo sa 30 ektarya na mayroong 30 farmer beneficiaries.



Dumalo rin sa aktibidad ang mga miyembro ng Farmers Irrigators Association, opisyal ng Barangay at Philippine Army.
Mahigpit namang ipinatupad ang health protocols kontra COVID- 19 sa pagsasagawa ng naturang aktibidad.
Sa pamamagitan ng mga nabanggit na proyekto ay mapapalakas ang ani na malaking tulong sa mga magsasaka sa lugar.
(Photos: NIA Camarines Norte IMO)
