Comelec walang lugar na maituturing na election hot spot sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE – Wala umanong itinututuring na election hotspot ang Commission on Elections sa Camarines Norte kaugnay ng paparating na Barangay at Sangguniang kabataan Elections.

Ayon kay Election Officer III Rommel Pajarin ng Comelec Speaker’s Bureau sa ngayon ay wala umanong reported sa kanila ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines na mga lugar na pwedeng isailalim sa Comelec control.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Batay umano sa kasaysayan ng halalan sa lalawigan, palagi namang “manageable’ ang  sitwasyon at kayang- kayang ipatupad ng AFP at PNP ang batas.

Tiniyan naman ng Camarines Norte Police Provincial Office ang seguridad sa mismong araw ng eleksyon sa October 30.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ayon kay CNPPO Provincial Director PCol Joselito Villarosa Jr.may mga ide- deploy silang pulis sa mga voting centers

Maliban sa mga presinto tututukan rin daw ng PNP ang mga vital installations.