Panukalang pagmodernisa sa PHIVOLCS, isinusulong ngayon sa Kamara

Inihain ni Albay Representative Joey Salceda sa Kamara ang panukalang naglalayong imodernisa ang ahensya ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Isinusulong ng House Bill 6921 o PHIVOLCS Modernization Bill na gawing makabago ang mga kagamitan at teknolohiya ng naturang ahensya upang mas mapahusay pa ang kakayahan nito sa pagkuha ng mga detalyeng makatutulong sa publikong maging handa sa sakuna.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Bukod dito nakapaloob din sa panukala ang pagpapatayo ng karagdagang mga service centers sa mga mahahalagang lokasyon sa Pilipinas.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Sa Modernization Bill mas palalakasin pa ang technology-based centers nang sa gayo’y agad na makakukuha ang ahensya ng kailangan impormasyon para magamit ng pamahalaan at pribadong sektor sa Disaster Risk Reduction and Management Plans.