Comelec, umaasang ilalabas na ng Kongreso ang desisyon sa Barangay at SK Elections

Umaasa ni Commission on Elections chairperson George Garcia na ibubunyag na ng Kongreso sa katapusan ng buwan ang kanilang desisyon kung matutuloy ba o hindi ang 2022 barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa Disyembre.

Pero para kay Garcia, naniniwala siyang dapat na ipagpatuloy ang BSKE tulad ng nakatakda, dhail ito umano ay magreresulta ng thriving democracy para sa bansa.

Read More:  Defense may call Zuleika Lopez as witness in VP Sara trial

Paliwanag ng poll chief, na ang eleksyon ang nagiging paraan upang palitan ang mga tiwali, walang kuwenta, at hindi talaga mga performer na nanunungkulan sa pamahalaan.

Sa parehong pagkakataon, ito rin umano ay paraan upang mapanatili ang mga lider na sa ating palagay ay karapat-dapat na mamahala sa bansa nang tuloy-tuloy.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Una nang sinabi ni Garcia, na “in full swing” na ang Comelec sa kanilang paghahanda para sa BSKE, na kinabibilangan ng mga briefings at training sa kanilang mga top officials.

Kinumpirma rin nito, na nagastos na ang P5-M sa P8.4-billion budget, para sa voter registration at pagbabayad sa mga workers na nagtrabaho para sa BSKE preparations.